Default Thumbnail

‘Rampa Manila,’ gaganapin sa Maynila

June 16, 2023 Edd Reyes 236 views

NANGUNA si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa ginanap na paglulunsad ng kauna-unahang fashion extravaganza na “Rampa Manila” na gaganapin sa lungsod bilang bahagi ng ika-452 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila.

Ang kaganapan ay bahagi rin ng pagdiriwang sa mayamang kultura at kasaysayan ng Maynila na isinulong ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng panonood sa popular na estilo ng pananamit.

“We would like Manila to reclaim its place in Philippine fashion and culture, promote our local artists and the shops on Divisoria that play a big role in the textile trade. Manila offers a wide variety of inspiration and source of materials,” pahayag ni Mayor Lacuna-Pangan.

Kabilang sa mga bantog na lumilikha sa mga estilo ng pananamit ang magpapamalas ng kanilang mga koleksiyon sina Albert Andrada, Michael Leyva, Marlon Tuazon, Puey Quiñones, at Jo Rubio na magpapasiklab sa kasaysayan ng mga Filipino kung ang pag-uusapan ay paglikha ng magandang kasuotan.

Ang naturang kaganapan ay hindi lamang isang uri ng palabas kundi isa rin itong daan upang magpamalas ng kanilang talento ang mga tulad nina John Jade Montecalvo, Gabriel Buenabajo, at Corven Uy, sa pagpapakita ng kanilang disenyo.

Dito rin magtatagpo ang mga bantog at mahusay na mga modelo at performers na magbibigay ng hindi malilimutang kasiyahan.

Masisiyahan din ang mga dadalo at manonood sa iba pang mga gamit na kasuotan na “sasalamin sa kahusayan” sa sining ng mga Filipino.

Kabilang naman sa mga sumuporta sa gaganaping palabas ang Angkas kasama bilang partner ang SM Supermalls, iFern, Anchor Land, City of Laguna, Genteel Home, Chef Vince Garcia Culinary Group, ang event supporters na New Lounge, Center for Advanced Dentistry, Pure Beauty Collagen, Dave Sandoval Floral Atelier, at Charles and James Whisky Light, Converge Solutions Inc., Ralph’s Wines & Spirits, pati na ang media partners naThe Manila Times at Republic Asia.

AUTHOR PROFILE