Rachel

Rachel at Alynna respetado ang isa’t isa

April 27, 2025 Aster Amoyo 119 views

HajjiSA kabila ng mga usapin tungkol sa kanilang relasyon, pinatunayan nina Alynna Velasquezat Rachel Alejandro ang kanilang respeto at pagmamahalan para sa isa’t isa.
Sa isang Facebook post, nagbahagi si Alynna ng mensahe para sa anak ng kanyang dating partner na si Hajji Alejandro. Buong-puso niyang isinulat ang pagmamahal niya sa mag-ama, at ang paghanga sa naiambag nila sa OPM industry.

“I love you both. You are the best father-and-daughter team. The strength of your bond and mutual support is immeasurable.

“The impact you have on your audience is so strong that every show is a lasting memory. Bravo! I will miss you both being on the same stage singing and dancing together,” ani Alynna.

Dagdag pa niya, “Rachel, remember that your dad’s mighty proud of you. Always. He will always be there in your heart singing with you. Our ANGELito.”

Lalo namang ikinatuwa ng fans ang naging sagot ni Rachel sa comment section.

“Thank you for loving him,” sabi niya.

Bumuhos din ang pakikiramay mula sa fans na nagpaabot ng kanilang respeto at pagsaludo kay Hajji Alejandro. Marami ang nagpaalala ng kanyang walang kupas na legacy bilang isa sa mga OPM icon.

Samantala, nagsalita na rin si Alynna tungkol sa kanyang pagbisita sa Walk of Fame ng kanyang yumaong partner.

Sa isang post, inamin ng singer na hindi siya makakadalo sa burol ni Hajj, kaya’t sa Eastwood City Walk of Fame na lamang siya nagpaabot ng kanyang pakikiramay.

Paliwanag ni Alynna, “I am sorry I can’t answer your questions right now. I want to respect the privacy of those who are not involved.”

Nangako si Alynna na darating din ang tamang panahon para siya’y makapagsalita nang buo tungkol sa kanyang sitwasyon.

Nagpasalamat din siya sa mga tagasuporta na patuloy na nagpapadala ng pagmamahal para kay Hajji at sa kanilang pamilya.

“All the love and beautiful messages make me smile despite the sadness and longing for the man I love. Thank you for giving us time to grieve. God bless us all with renewed strength…”

Marami ang nalungkot nang kinumpirma ng manager ni Hajji Alejandro na si Girlie Rodis ang pagpanaw ng OPM legend noong April 22.

Bago mamaalam ang veteran singer, inihayag ni Alynna Velasquez na si Hajji ay may stage four colon cancer at nagkaroon pa ng seizure dulot ng impeksyon.

Boss Toyo ipinakita ang resort sa Bulacan

ToyoBIDA ang binansagang Pinoy Pawnstar na si Boss Toyo sa kauna-unahang episode ng Summer Collab sa GMA morning show naUnang Hirit.

Masayang isinama ni Boss Toyo ang Unang Hirit hosts na sina Lyn Ching at Chef JR Royol sa Sta. Maria, Bulacan nitong Biyernes, April 25.

Dito ay ipinasilip ng vlogger-entrepreneur sa UH Barkada ang kaniyang bago at unique na private resort na kilala sa tawag na Casa Geng Geng.

Ilan sa makikita sa loob nito ay ang overlapping 5 feet swimming pool na para sa adults at isang pool na para naman sa mga bata.

Ayon kay Boss Toyo, swak na swak ngayong summer ang ipinadisenyo niyang overlapping pool para sa pagsu-swimming ng indoor at outdoor.

Mayroon din ditong mini videoke, basketball court, at pool table na pwedeng gamitin ng mga maga-outing kung sila ay mahilig sa billiards.

Bukod sa mga ito, may tatlong rooms din sa loob ng Casa Geng Geng na perfect sa pagtulog at pag re-relax ng guests.

Sa ilang parte ng live na pagpapasilip ng resort, mapapanood na masayang nakipagkwentuhan at nakipagkulitan si Boss Toyo kina Lyn at Chef JR.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 7.8 million followers si Boss Toyo sa Facebook.

Michael bumuhos ang suporta

MichaelPATULOY na bumubuhos ang suporta ng fans niMichael Sager sa kaniyang journey bilang isa sa celebrity housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa kabila ng tatlong beses na pagkanominado sa teleserye ng totoong buhay, nananatili ang tiwala ng fans at iba pang viewers kay Michael.

Mababasa sa social media ang kabi-kabilang positive comments tungkol sa Sparkle actor at ang ilan ay nagchi-cheer para kanilang iniidolo.

Ilang fans din ang nagsabi na si Michael ang karapat-dapat na manatili sa paninirahan sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ang kasalukuyang ka-duo ng Kapuso star ay ang Kapamilya star na si Emilio Daez.

Kabilang kaya ang celebrity duo na MiLi (Michael at Emilio) sa maliligtas sa nalalapit na ikatlong eviction night?

Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong celebrity duo.

Huwag palampasin ang susunod na mga pasabog na sorpresa mula kay Kuya.

Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

AUTHOR PROFILE