Rabiya

Rabiya biktima ng investment scam

June 27, 2024 Vinia Vivar 95 views

Ni-reveal ni Rabiya Mateo na naloko at nagoyo siya ng kanyang business partner na isang investment scam sa halagang humigit-kumulang P1 million.

Ayon sa dating beauty queen, base sa ulat ng Balitanghali sa GTV, nine months na ang itinatakbo ng kanilang partnership bago niya nadiskubre ang ginagawang panloloko sa kanya ng business partner.

Sobrang sakit daw para sa kanya at katakut-takot na stress ang inabot niya nang malamang nawala nang ganu’n na lang ang perang pinaghirapan niya.

Hindi na sinabi ng aktres kung nabawi pa niya ang kanyang pera o kung nagsampa siya ng demanda.

Aniya ay isang napakalaking lesson para sa kanya ang nangyari kaya ngayon ay mas naging maingat na siya sa pagpasok sa negosyo upang hindi na ito maulit.

AUTHOR PROFILE