Allan

Quezon arson case: Ang pahayag ng mga akusado

February 8, 2024 Allan L. Encarnacion 433 views

HINDI ko alam kung ano ang ginagamit na timbangan ng mga piskal sa kanilang pagdedesisyon kung ang mga inaakusahan ay dapat makulong or dapat palayain sa unang baytang ng kanilang kaso.

Iyong tinawag na inquest proceedings, ito iyong unang paraan ng pagsasampa ng kaso ng ating mga pulis sa kanilang naaresto.

Marami namang piskal ang hahangaan mo sa pagdetermina kung may kaso o wala ang dinala sa kanila ng mga pulis. Gamit lang ang dokumento, doon na magpapasya ang piskal kung dapat makulong or dapat pakawalan na ang inaresto.

Case in point, iyong pagkakaaresto sa apat na lalaking nagpunta lang sa Quezon para dumalo sa isang okasyon matapos mapagbintangang nanunog ng pampasaherong jeep.

Naka-bonnet daw ang apat na lalaki, sumakay ng jeep, pinababa ang mga pasahero at driver tapos sinilaban ang modern jeep. Ang sumunod na senaryo, may mga testigo raw na nakakita umano na nag-check in sa isang resort ang apat.

Ang tinutukoy ay sina Jade Castro na isang film maker, mga kasamahang sina Ernesto Orcine, Noel Mariano at Dominic Ramos. Ang dalawa rito ay engineer at ang isa ay sales manager.

Inimbitahan ng mga pulis at nang maituro ay ikinulong.

May mga testigo rin na nagsasabing iyong apat ay nasa Cocolunay Festival na nakikipagsaya sa mga mamamayan doon sa mismong araw at oras, January 31, 2024 ng gabi nang mangyari ang panununog ng jeep.

Ang una tanong, kung naka-bonnet, paano maituturo ng “testigo” na sila iyong nanununog? Ang susunod na tanong, iyong apat ba ay miyembro ng anumang jeepney drivers or operators association or taga-Quezon man lang ba sila?

Mismong mga nasa festival at mga tauhan ng local government sa Mulanay ang nagpapatunay na kasama nila ang apat sa okasyon kaya imposibleng sila ang tinutukoy na nanunog sa modern jeep.

May testigro rin ang nagsabing kumakain sila sa food court kasama ng mga inaresto kaya imposibleng sila iyong nanunog.

Hindi ko rin mahanapan ng logic na pagkatapos mong magsunog ng modern jeep ay pupunta ka pa sa resort para mag-check in. Ang criminal instinct, aalis na yan sa pinangyarihan ng krimen, lalayo at kung maari nga ay sasakay ng bus kahit anong biyahe para makaalis.

May dala pa palang kotse ang apat na inaresto nang magbiyahe poapunta sa festival.

No bail ang kasong arson kaya mahigit isang linggo nang nakakulong ang apat.

Umaasa tayong magiging maingat ang Quezon PNP sa paghawak ng kasong ito. Iba ang inimbitahan lang sa presinto, iba rin ang “hot pursuit” or naghahabulan matapos ang krimen para ma-justify ang warrantless arrest at iba rin iyong “in flagrante delicto” or caught in the act habang ginagawa ang krimen. Dito sa caught in act or nangyayari ang krimen nang arestuhin, tamang ito ang gawin ng ating mga pulis. Pero iyong imbitasyon ay hindi batayan para arestuhin nang walang warrant.

Sa ngalan ng katarungan, kinuha natin ang nakalathala sa FB na pahayag ng pamilya ng apat:

Statement From The Families of the Accused

Jade Castro, Noel Mariano, Ernesto Orcine, and Dominic Ramos are innocent.

On January 31, 2024, they drove from Manila to Mulanay, Quezon, to attend the Cocolunay festival where they mingled with the locals and enjoyed the festivities.

Numerous witnesses have attested to this.

At around the same time, some 22 kilometers or more than half an hour away, in a barangay of another town in Quezon, four men wearing bonnets were allegedly seen hailing a modernized jeepney and, upon boarding it, flashed their guns and told the driver and the passengers to leave the vehicle.

These unidentified men then set the jeep on fire.

The following morning, policemen proceeded to the resort where Jade, Noel, Ernesto, and Dominic were staying, supposedly acting on a tip that four men had checked in to the resort, and to rule them out as suspects in the jeep burning incident. After questioning the four, the policemen left.

More than six hours later, Jade, Noel, Ernesto, and Dominic were invited by the same police officers, to the police station to answer more questions.

They voluntarily went with the police officers, and have since been detained at the Catanauan municipal police station.

No evidence was found on them.

No motive either to connect them to the jeep burning incident.

And yet the four continue to be detained.

We, the families of Jade, Noel, Ernesto, and Dominic, demand a transparent and fair investigation.

We ask all the concerned government agencies to look into this matter, assess the facts, and act accordingly and immediately.

We ask the media to be more critical and fair.

We ask everyone to be vigilant in following this case.

We refuse to give up hope that the truth will prevail, and set Jade, Noel, Ernesto, and Dominic free.

Help us bring them home.

[email protected]