Queenie

Queenie hiwalay na sa asawang Pakistani

May 14, 2024 Vinia Vivar 113 views

Hiwalay na ang panganay na anak ni Robin Padilla na si Queenie Padilla sa Pakistani husband na si Usama Mir.

Ito ang inanunsyo ng dating aktres sa Instagram ngayong Martes.

“Assalamualaikum, after much thought and consideration my husband and I have decided to seperate due to irreconcilable incompatibility,” pahayag ni Queenie whose Muslim name is Mashel Khadija Mir.

Ayon pa sa anak ni Binoe sa unang asawang si Liezl Sicangco, sinikap nilang ayusin ang kanilang relasyon.

“This decision wasn’t taken overnight it has been years and months of trying to work things out,” aniya.

Ipinahayag din ng kapatid ni Kylie Padilla na mananatili ang respeto at pagmamahal niya sa ama ng kanyang anak.

“I will always have love, honor and respect for the father of my child. He’s a great father and responsible human being,” she wrote.

“Although life has taken us on different paths right now, I will forever cherish the 11 years we’ve had together,” patuloy niya.

Nagpasalamat din si Queenie sa lahat ng sumuporta sa kanila at humiling na irespeto ang kanilang privacy.

“Thank you for all your support over the years. Please respect our privacy during this difficult time,” pagtatapos ni Queenie.

Sa sumunod na post ng anak ni Robin ay inanunsyo niya na magpapahinga muna siya sa social media.

“Taking a break from social media,” aniya.

“Thank you for all your prayers and support. Jazak’Allahu Khair. I will be going offline starting tomorrow,” pahayag pa ni Queenie.

Matatandaan na ikinasal si Queenie kay Usama noong 2012. May isa silang anak na babae na isinilang ng dating aktres in 2017.

AUTHOR PROFILE