
QC: Iwasan paggamit ng plastic posters
NANAWAGAN ang pamahalaang lungsod ng Quezon sa mga kandidato sa local at national elections na iwasan ang pagganit ng mga plastic poster bilang campaign materials.
Ginawa ang panawagan matapos na makakolekta na ang city’s Department of Sanitation and Cleanup Works nitong taon nang may 18,000 kilo o 18 metriko kubiko na campaign tarpaulins mula sa national at local candidates. Nakakabit ang mgq naturang campaign material sa hindi awtorisadong lugar tulad ng poste ng kuryente at public at government-owned facilities.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ipinagbabawal ang paggamit ng mga tarpaulin at poster na gawa sa polyethylene o plastic sa buong lungsod sa ilalim ng City Ordinance No. SP 2202.
Kapag hindi maayos na itinapon ang mga plastic-type tarpaulins, mapupunta lamang ang mga ito sa mga waterway, hindi tulad ng PVC na maaaring irecycle at pwedeng gawing bag o iba pang produkto.
“Plastic posters, even those that are torn into pieces, usually clog creeks and tributaries thereby increasing the risk of flooding. We are calling on political aspirants to think about the long-term negative effects of plastics in our communities. We have to work together, and consider our actions even on the tiniest detail to protect our environment,” ani Belmonte.
Bukod sa campaign-related posters, binabawalan din ang mga pribadong organisasyon at kumpanya sa pagproduce at pagkabit ng mga plastic-made tarpaulins.