
Prusisyon ng Sto. Nino tagumpay
PAYAPA at maayos ang prusisyon ng mga replica ng Sto. Nino de Tondo na dinaluhan ng mahigit 800 pulis para matiyak na walang magiging aberya sa okasyon.
Dumaan ang parada sa Ylaya at kumanan sa C.M Recto at Asuncion Sts., kumaliwa sa Lakandula St. at kumanan ng Wagas at Moriones Sts.
Lubos ang pasasalamat ng mga mamamayan ng Tondo sa mga pulis sa pamumuno ni Police Lt. Col. Wilson Villaruel sa pagbabantay sa prusisyon ng Sto. Nino De Tondo.