
Protesta sa Mendiola payapang natapos
NAGING mapayapa at maayos na nagtapos ang mga rally sa kahaban ng Chino Roces Bridge sa Mendiola sa kanto ng Recto Ave., San Miguel, Manila Lunes ng umaga,.
Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD), bandang alas 8:00 ng umaga ng magsimula ang ang kilos protesta ng mga raliyista.
Hindi bababa sa 25,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nai-deploy upang matiyak at masiguro ang kapayapaan sa ikalawang Station Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bong Bong R. Marcos Jr..
Personal din nagtungo sa Mendiola ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police sa pamumuno ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. kasama sina Brig. Gen. Leo Francisco at NCRPO Chief Jose Melencio Nartatez Jr. para alamin ang sitwasyon ng mga miyembro ng MPD.