
Produ lugi sa kinita ng pelikula sa takilya
WALA pa ring local film na masasabing naging blockbuster matapos ang matagumpay at pinilahang entries sa December 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Nabalitaan namin na may isang local film na sa buong run nito sa mga sinehan, eh, hindi pa umabot sa P100,000 ang kita, huh!
Lugi talaga ang producer, lalo na’t may bayad din sila sa mga sinehan kahit walang pumapasok na manonood.
Good movie at big stars ba ang kailangan upang tangkilikin ng Pinoy fans ang local films?
Sabi nga ng isang director na magaling at mahusay, proper education sa mga involved sa movies ang kailangan upang makagawa ng pelikulang panonoorin ng mga tao.
Ay, bawasan din pala ang bayad sa mga sinehan pero kailangan ng batas upang maisakatuparan ito, huh!