
Porselanang manyika
MULING pinaranas ng aktres na si Arci Muñoz ang paraiso na sa kanya lang malalasap.
Ibinida ng model-actress sa kanyang Instagram ang katakam-takam nitong sex appeal sa mga larawang ibinahagi nang magtungo sa isang beach.
“Back in paradise,” sey niya sa caption ng post.
Nasa dagat man si Arci, biyaheng langit naman ang kanyang mga lalaking tagasubaybay sa mala-anghel na ganda ng bebot at mala-halimaw niyang hotness.
Maihahambing nga sa paraiso ang perpekto niyang hubog. Manlalaki ang mga mata ng kahit na sinong kelot na mapapatitig dito. May dalang nakakabaliw na karisma ang kanyang toned body at mala-porselanang ganda.
Breathtaking man ang ganda ng background sa mga larawan, pokus pa rin ang netizens kay Arci na kabogera ang pag-awra sa suot na two-piece swimsuit.
Nasilaw ang mga kalahi ni Adan sa awra ng aktres. Glowing na para bang hindi kumukupas ang kanyang alindog.
Nagningning ang comment section ni Arci sa mga papuri sa kanya ng netizens. Pinaulanan nila ng puso at fire emojis ang larawan ng aktres.