
Pops, baby boy ang unang apo kay Robin
EXCITED na ang Concert Queen na si Pops Fernandez sa bagong papel na gagampanan niya sa tunay na buhay at ito ay ang pagiging “lola” sa kanyang unang apo.
Isa ‘yan sa exciting news na ibinahagi ng singer-actress sa pagpirma niya ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) nitong Biyernes ng hapon.
Ayon kay Pops, baby boy ang magiging unang apo nila ng estranged hubby na si Concert King Martin Nievera courtesy ng panganay nilang si Robin at ang non-showbiz girlfriend nito.
“Lolli-pops” ang bet niyang itawag sa kanya ng magiging apo para sakto sa palayaw niya.
Anyway, present sa contract signing ni Pops sa VAA ang Viva executives na sina Boss Vic del Rosario at Veronique del Rosario-Corpuz.
Sa ilalim ng pinirmahang kontrata, type niyang balikan ang paggawa ng pelikula. Huling napanood si Pops sa big screen sa Zsa Zsa Zaturnnah Ze Movie noong 2006 sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan.
Siyempre, nariyan din ang concerts at recording na kamakailan lang ay binalikan na rin niya sa pamamagitan ng single na Always Loved.
As far as hosting is concerned, muling napanood si Pops bilang anchor ng drama romance anthology na For the Love ng Viva TV sa TV5 tuwing Sabado.