Vic Reyes

PNP Chief Gen. Marbil: Eradicte illicit trade

June 19, 2024 Vic Reyes 348 views

KAILANGAN matigil na o mabawas-bawasan ang counterfeit at cigarette smuggling sa Pilipinas.

Ayon sa datos, taun-taon pala ay malaki ang nawawala sa gobyerno dahil sa pagpasok ng mga kontrabandong sigarilyo.

Bukod dyan, ang mga sigarilyong ito ay banta sa kalusugan ng mga Pilipino, partikular na sa mga kabataan.

Ayon mismo sa Bureau of Internal Revenue (BIR), tumataginting na P25.5 bilyon ang total governmernt losses noong 2023.

Kung pumasok lang sa kaban ng bayan ang perang ito ay malaking tulong sana ito sa mga mahihirap sa Pilipinas.

Ito ngang unang apat na buwan ng 2023 (Enero hanggang Abril) ay umabot na ng P6.6 bilyon ang government losses.

Ang magandang balita nga lang ay nangako ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) “to eradicate this illicit trade.”

Sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil “the battle against counterfeit and smuggled cigarettes is not just for revenue.”

“It is crusade to safeguard the health of our people and ensure economic stability,” dagdag ni Heneral Marbil.

Ayon sa kanya, hindi titigil ang kapulisan hangga’t hindi nalalansag ang mga grupong nasa likod ng illegal business na ito.

At lahat ng mga cigarette smuggler ay mahuli at maparusahan.

Ang Bureau of Customs (BOC) ay lalo pang pinapaigting ang kampanya laban sa cigarette smuggling.

Ang mga nakukumpiskang sigarilyo, kasama na ang mga peke, ay sinisira pagkatapos na magamit ang mga ito bilang ebidensiya.

Ayaw nina Commissioner Bienvenido Y. Rubio na ma-pilfer ang mga ito para ibenta sa publiko.

Huwag natin kalimutan na may kampanya ang gobyerno, sa pamamagitan ng Department of Health, laban sa paninigarilyo.

Sa lahat nga ng mga pakete ng sigarilyo ay may nakatatak na: “SMOKING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH.”

Ang problema sa kampanya laban sa cigarette smuggling ay kulang na kulang tayo ng mga kagamitan.

Ang mga patrol boat natin ay no-match sa mga mabibilis na barko ng mga ismagler.

Hindi natin kayang bantayan ang libu-libo nating isla na puwedeng daungan ng mga barko ng mga ismagler.

Nakalulungkot talaga!

***

Grabe na ang nangyayari sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa report, pitong sundalo ng Philippine Navy (PN) ang nasaktan nang sumampa ang mga Intsik sa resupply boats ng Pilipinas.

Isang sundalo natin ang naputulan pa ng isang daliri nang banggain ng Chinese vessels ang PH resupply boats.

Ang masakit, kinumpiska pa daw ng mga Intsik ang mga baril ng ating mga sundalo.

Hindi na biro ang ginagawa ng mga Intsik sa loob mismo ng ating exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea.

Ang dami nating kaalyadong bansa, kasama na ang Estados Unidos at Japan, at kailangang humingi na tayo ng tulong sa kanila.

Oo nga dambuhala ang ating kalaban, pero mangingimi ‘yan kapag kasama nating magpapatrolya ang mga kaibigan natin.

Sa tingin ng marami ay magdadalawang-isip ang China kapag kasama natin ang ating mga kaalyado.

Ganyan ang ginawa ng Indonesia at Malaysia nang mag-drill sila ng langis sa kani-kanilang teritoryo. Walang nagawa ang China.

Amerika lang ang kasama nila. Samantalang sa atin, maraming gustong tumulong!

(Para sa ibuong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang amg tamang pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE