Francisco Tiu Laurel

Plano ng DA: Isang taong trial period para sa P29 rice program

July 18, 2024 Cory Martinez 288 views

PLANO ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. na ipatupad ang isang taong trial period para sa P29 rice program para makalikom pa ng sapat na datos upang makabuo ng isang stratehiya na mapababa ang presyo ng bigas na mapapakinabang ng maraming Pilipino habang mapanatili ang kita ng mga magsasaka.

“Targeted intervention ang programang ito. Ito ay isang large-scale trial upang malaman kung maibebenta sa mababang halaga ang bigas kapag pinalawig ito sa tulong ng pamahalaan. We will assess the data comprehensively, back track to the farm level and determine what needs to be done to make this program sustainable,” ani Tiu Laurel.

“This large-scale trial will gather data from farm to retail that’s why this cannot be done in a month, or two months. This will be one-year program so we can review the entire chain—from buying seeds, planting them, utilizing fertilizer, sourcing fertilizer, harvesting, warehousing, up to the retailing stage—and determine where we could save on costs to lower prices to consumers,” dagdag pa ni Tiu Laurel.

Layunin ng programa na makapagbenta ng magandang kalidae ng bigas sa mabababg halaga ng P29 kada kilo sa disadvantaged sector tulad ng indigents, senior citizens, persons with disabilities, solo parents at indigenous people. Umaabot ng 6.9 million households o 34 milyon Filipino ang kabilang sa naturang sector.

Ibinebenta ang mababang presyo ng bigas sa mga piling KADIWA center sa Metro Manila. Makakabili ang bawat benipisaryo ng sampung kilo ng bigas kada buwan sa mga KADIWA center.

Bukod sa stock ng National Food Authority (NFA), plano din ng DA na kumuha ng suplay mula sa
contract-growing arrangement na pinasok ng National Irrigation Administration sa mga magsasaka at kung kinakailangan, kukuha ng suplay mula sa mga inangkat ng Food Terminal Inc. (FTI) at iba pang controlled corporations para masuportahan ang P29 program.

Ayon kay Tiu Laurel, palalawigin ang programa sa buwan ng Agosto o Setyembre upang maisama ang mga lugar sa labas ng Luzon at sa lahat ng 1,500 na munisipalidad sa bansa.

AUTHOR PROFILE