Esber

Pintor na Pinoy umaani ng tagumpay

July 23, 2024 Jojo C. Magsombol 391 views

UMAANI ng tagumpay sa pagpinta si Ismael Figueroa Esber, ang abstract personality na ipinanganak noong Oktubre 14, 1958 at nagtapos ng Commercial Art at Graphics Design sa DPS I, Apple Philippines.

Nagsimula ang kanyang artistikong paglalakbay noong siya’y bata na nagdulot ng interes sa pagkamalikhain.

“Pagpipinta ang buhay ko,” sabi ng pintor. Sa kabuuan ng kanyang career, pinananatili niya ang isang malakas na pangako sa integridad ng pundasyon ng mundo ng advertising.

Sa aktibong desisyon pinasok niya ang pagpipinta ng mga tinatawag na abstract, lalo na sa chromatic figurative art, fashion at realism.

Ang dedikasyon ni Esber sa kanyang trabaho nagbigay-daan sa kanya na manatili ang focus sa pagpinta na patuloy na naghahatid ng sining nang may lalim at resonance.

Naging matagumpay siya sa larangan ng pagpinta nang makatanggap ng “Art for Humanity” ng Prince Trust Foundation sa Gitnang Silangan.

Dalubhasa rin siya sa sa mga chromatic figure, na nagsisilbing conduit na nagpapagalaw ng mga emosyon sa pamamagitan ng pisikal na pagpapasigla.

Binibigyang-diin ng diskarteng ito ang malalim na koneksyon sa katawan ng tao at sa mga galaw nito na tinatanggap ang mga katangian tulad ng pagiging mapaglaro, sensuality, theatricality, fluidity, musicality, subtlety, spontaneity, tactility at expressiveness.

AUTHOR PROFILE