Lea

Pinoy fan ni Lea, ’di nagsisisi sa pag-a-upload ng dressing room video

July 20, 2023 Vinia Vivar 406 views

Hindi nagsisisi ang Pinoy fan ni Lea Salonga sa ginawa niyang pag-upload ng video sa Facebook.

Ito nga ‘yung viral video ni Lea kung saan ay makikitang may Pinoy fans na pumunta sa backstage o dressing room matapos manood ng kanyang Broadway show na Here Lies Love para makapagpa-picture at hindi ito in-allow ng Broadway diva.

Sa halip ay pinalabas niya sila at pinapunta sa photo opportunity area ng venue.

Simula ma-upload ang video ay talk of the town na ito sa social media at katakut-takot ang reaksyon ng netizens. Maging ang ilang mga artista ay nagsabi na rin ng kani-kanilang opinyon sa nangyari.

Sa kasalukuyan, mahigit two million na ang views ng nasabing video.

Sa programa ng mag-asawang Julius at Tintin Babao sa One PH ay nakausap nila ang fan na nagngangalang Christopher Carpilla para maibigay ang buong kwento sa pangyayari lalo na ang malaking tanong kung sino ang nagpapasok sa kanila backstage.

Ikinuwento ni Christopher kung paano sila (apat silang magkakasama) nakapunta sa dressing room. Aniya, pinayagan sila ng black American personnel. Bukod dito, may isang babae pa raw na nag-assist sa kanila para dalhin sila kung nasaan si Lea.

Ikinuwento niya na mahaba ang pila ng fans na gustong magpa-picture sa Broadway actress at medyo matagal din silang naghintay.

May mga tagahanga raw na nagpa-picture kay Lea sa loob mismo ng dressing room.

Sabi ni Tintin, baka nasa guest list ang mga taong iyon kaya na-allow sila.

Matatandaan kasi sa video ni Cristopher na sinabihan sila ni Lea na wala sila sa guest list kaya hindi sila allowed pumasok.

Nang finally ay turn na nila, hindi talaga nila in-expect ang naging reaksyon ni Lea.

Inamin din ni Christopher na na-disappoint siya sa kanyang idolo at medyo sumama ang loob niya sa ginawa sa kanila na pinalabas sila backstage para makapagpa-picture.

Pero nilinaw niya na thankful sila na nakapag-photo op pa rin sila with their idol.

Sa tanong kung nagsisisi ba siya na in-upload niya ang video at ngayon ay kinukuyog siya ng bashers, he answered, “Actually, nirerespeto ko po silang lahat. Hindi ako nagsisisi na pinost ko siya.

Kasi sabi ko nga po, lumuwag po ‘yung dibdib ko, nailabas ko po ‘yung parang disappointment ko, ‘yung sama ng loob na nasa dibdib ko.”

Tungkol naman sa naging tweet ni Lea na “I have my boundaries, do not cross them,” ayon kay Christopher, sa tingin niya ay wala silang na-cross na boundaries dahil hindi sila pumasok sa dressing room tulad ng nakita sa video.

Natanong din si Christopher kung sa tingin ba niya ay dapat siyang mag-sorry kay Lea for uploading the video without her consent.

Aniya, “Hindi ko alam kung kailangan kong gawin ‘yun or what, pero pasensiya na, siguro, hindi.”

Asked why, sagot niya, “Alam ko, wala akong ginawang masama, alam ko ‘yung pagka-post ko, hindi ko intensyon na manira or ipakita sa buong mundo na ‘yun siya. Katulad ng sabi ko, tao lang na siguro, hindi nakapag-isip nu’ng klinik, pero wala naman po akong sinabing masama.”

AUTHOR PROFILE