
Pila kay Pia
NAG-UNAHAN sa pagpila ang mga kelot ng social media sa paglalatag ng sarap ng kanyang kaseksihan ang Vivamax actress na si Pia Montes.
Pinakyaw nga ng netizens gamit ang pagtitig sa mga larawan ng sexy star ang kanyang juicyness mula sa isang Instagram post.
Makikita kasi si Pia na nakabalandra ang magandang wangkata sa camera habang nakasalampak sa isang outdoor bed.
“Refresh your soul, dip into the pool,” sey pa niya sa caption.
Suot-suot niya ang two-piece bikini na nagpalitaw sa perpekto niyang kurba. Busog na busog sa magandang anggulo ang mga barako. Kung naaabot lang nila sa larawan ang ang hot actress, malamang ay dinakma na nila ang kanyang sumisirit na sex appeal.
Walang kasing kinis ang balat ng bebot, kahit saang anggulo glowing na glowing ang kanyang look. Mukhang dadami ang suki ni Pia sa pagbibida niya ng ganitong patakam.
Kahit na baguhan pa lamang sa industriya, naipamalas na agad ni Pia ang kanyang husay sa pag-arte nang maitampok siya sa Vivamax original film na “Private Tutor.”