WHAT'S NEW

SEE ALL
Pic Screengrab from Emilienne Vigier/IG

Pila kay Joshua tinapos na ni Emilienne

September 5, 2023 People's Tonight 502 views

TINAPOS na ang laban ng French-Filipino na si Emilienne Vigier sa pila para sa mga gustong mapangasawa ang Kapamilya heartthrob na si Joshua Garcia.

Sa Instagram story ng dalagita, makikitang sweet at sobrang dikit ang kanilang mukha, kalakip ang caption na β€œJtmmmm.” Hula ng netizens ang caption ay pinaikling termino ng Je t’aime, salitang French na ang ibig sabihin ay β€œI love you”.

Matatandaang unang na-ispatan ng netizens ang bonding ng dalawa matapos nakitaang magkapareho ang naging story ng aktor sa IG at sa French-Filipino athlete. Nasundan pa ito noong muli silang nagsama sa isa pang IG story na makikitang topless ang aktor.

May ilang nalungkot at nawalan ng pag-asang makasama ang guwapong aktor. May iba ring kinilig at sinabing bagay na bagay umano ang dalawa.

AUTHOR PROFILE