BBM

PH-US biz partnership lalakas pa

March 9, 2024 Chona Yu 86 views

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lalo pang lalakas ang business partnership sa pagitan ng Amerika at Pilipinas sa pagdating ng American delegation sa susunod na linggo.

Sinabi ni Jollan Margaret Llaneza, Department of Trade and Industry’s (DTI) Foreign Trade Service Officer, inaasahang malalagdaan ng dalawang bansa ang mga mahahalagang partnerships.

“There will be a high-level delegation comprised of 22 business delegates, C-level representatives from strategic sectors and iyong pag-uusapan po next week is of course how to enhance our trade and investment relations,” pahayag ni Llaneza.

“Ang goal po natin dito is of course to foster iyong relationship ng ating Philippine business sector with their American counterparts para po magkaroon tayo ng mga commercially meaningful na partnerships,” dagdag ni Llaneza.

Darating ang delgasyon sa pangunguna ni US Commerce Secretary Gina Raimondo.

Bunga ang pagbisita ng delegasyon ng pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay US President Joe Biden noong nakaraang taon.

“Kung mapapansin ninyo po si US po at si Japan are actually our strategic partners.

So, kung napapansin ninyo po iyong sa discussion po kanina mayroon po silang napapag-usapan na mga other defense treaties – so, part po iyan ng kabuuan ng ating strategic partnership with the United States,” pahayag ni Llanera.

“Sa Japan naman po, mayroon po tayong mga policy instruments that frame our economic relations,” dagdag ng opisyal.

AUTHOR PROFILE