
PH tourism ‘back in business’

“PAGKATAPOS ng halos dalawang taong COVID-19 pandemic sa bansa, Philippine tourism is back in business and the best is yet to come.”
Ganito ang naging pananaw ng chairman ng House committee on tourism na si Romblon Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, matapos ihayag ni Tourism Secretary Maria Christina Garcia Frasco na sa kasalukuyan ay tinatamasa ng Philippine tourism ang tinatawag na “favorable developments” bunsod ng pagtaas sa bilang ng international incoming flights sa Pilipinas.
Dahil dito, sinabi ni Madrona na nais lamang nitong ipakahulugan na dumadami rin ang mga turistang bumibista sa Pilipinas sa ano pa mang kadahilanan na inaasahang magre-resulta sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng tourism business.
Biniyang diin pa ni Madrona na ibig din nitong ipakahulugan ang pagsisikap ng Marcos Jr. administration na maisulong ang tourism development at industry, pagkatapos ng halos dalawang taong pandemiya na nagpadapa sa tourism sector, kabilang na rito ang iba’t-ibang negosyo tulad ng mga travel agencies, beach resorts, hotels at iba pang establisyemento na sakop ng tourismo.
Naniniwala ang kongresista na unti-unti ng nakakabalik sa normal ang sitwayon sa Pilipinas, matapos ipag-utos ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang pag-alis ng “health emergency status” sa bansa.
Inaasahan aniya na hindi na mapipigilan ang muling pagbangon ng Philippine tourism, kung saan maaaring masabi na, “Tourism is back in business.”
Batay naman sa Department of Tourism (DOT) Route Development Report noong nakaraang Hunyo, nakita ng ahensiya ang pagkakaroon ng “significant growth” sa mga international flights kada linggo.
“The DOT saw on a weekly average, compared to June 2022, Clark in June 2023 saw an increase of 180% in terms of incoming scheduled frequencies and 215% in terms of incoming seats. While Manila saw an increase of 75% in terms of incoming frequencies and 120% in terms of incoming seats,” ayon sa DOT.