PRC Larawan: Professional Regulation Commission/FB

PH nagtala ng 4,436 bagong registered electrical engineers

May 3, 2024 People's Tonight 101 views

UMABOT sa 4,436 ang electrical engineers ng bansa matapos pumasa sa Registered Electrical Engineers Licensure Examination ngayong Abril.

Ang mga miyembro ng Board of Electrical Engineering na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Engr. Francis Mapile, chair; at Engr. Jaime Mendoza, miyembro.

Isinagawa sa mga testing centers sa N.C.R., Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga, at Puerto Princesa, Palawan ang naturang exam.

Pumalo sa 63.33 percent ang passing rate dahil sa 4,436 ang pumasa mula sa 7,005 na examinees.

Nanguna sa naturang exam si Raymond Geoman mula sa Cebu Institute of Technology – University, na nakakuha ng 95 percent.

Samantala, nanguna naman ang University of Batangas pagdating sa pinakamataas na performance rate. Ito ay matapos makuha ng naturang pamantasan ang 96.20 percent — 76 mula sa 79 examinees ang pumasa.

Maaari namang ma-access ang listahan ng mga pumasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1VOR7RWsyCK2sISurkbxlejuvz-IWTbNA/view.

AUTHOR PROFILE