Exam Larawan: Supreme Court/FB

PH may 3,812 bagong lawyers

December 6, 2023 People's Tonight 312 views

UMABOT sa 3,812 ang bagong lawyers ng bansa matapos pumasa sa 2023 Bar Examinations.

Ang pagsusulit ay isinagawa noong Setyembre 17, 20, at 24, 2023 sa 14 na testing centers sa Pilipinas. Ito rin ang ika-121 professional licensure test na isinagawa para sa mga lawyers ng bansa.

Pumalo sa 36.77 percent ang passing rate dahil sa 3,812 ang pumasa mula sa 10,387 na examinees.

Nanguna sa naturang exam si Ephraim Bie ng University of Santo Tomas na nakakuha ng 89.2625 percent.

Samantala, nanguna naman ang Ateneo de Manila University pagdating sa law school performance. Ito ay matapos makakuha ng 93.18 percent passing rate ang naturang unibersidad — 164 ang pumasa mula sa 176 na takers.

Maaari namang ma-access ang listahan ng mga pumasa sa pamamagitan ng link na ito: https://sc.judiciary.gov.ph/2023-successful-bar-examinees/.

AUTHOR PROFILE