
PH may 1,809 bagong architects
UMABOT sa 1,809 ang bagong architects ng bansa matapos pumasa sa Licensure Examination for Architects nitong Enero 2024.
Ang pagsusulit ay isinagawa sa mga testing centers sa N.C.R., Baguio, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.
Ang mga miyembro ng Board of Architecture na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Arch. Robert S. Sac, chair; at Arch. Robert M. Mirafuente at Arch. Corazon V. Fabia-Tandoc, mga miyembro.
Pumalo sa 61.68 percent ang passing rate dahil sa 1,809 ang pumasa mula sa 2,933 na examinees.
Nanguna sa naturang exam si Sherilyn Baniago mula sa University of the East – Caloocan, na nakakuha ng 85.50 percent.
Samantala, nanguna naman ang University of Santo Tomas pagdating sa pinakamataas na performance rate. Ito ay matapos makuha ng naturang pamantasan ang 82.09 percent — 110 mula sa 134 examinees ang pumasa.
Maaari namang ma-access ang listahan ng mga pumasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1AmtaTZS9Xd2U9dA2crMuwo4wKtVFxOSU/view.