Khonghun Zambales Rep. Jay Khonghun

PH HINDI MATITINAG

April 28, 2025 Ryan Ponce Pacpaco 61 views

MARIING kinondena ni House special committee on bases conversion chairman Jay Khonghun ng Zambales ang ilegal na presensya ng China sa Sandy Cay, isang teritoryong malinaw na sakop ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Tinawag ito ni Khonghun na tahasang kawalan ng paggalang sa soberanya ng Pilipinas at sa international law.

“This latest move by China is a clear and deliberate violation of our sovereign rights,” ani Khonghun, isang House Assistant Majority Leader na mula sa lalawigang nakaharap sa WPS.

“Sandy Cay belongs to the Philippines. No amount of aggressive posturing or illegal occupation can erase that fact,” dagdag pa ni Khonghun.

Pumunta ang China Coast Guard sa Sandy Cay para mag-inspeksyon. Ang naturang sandbar ay malapit sa Pag-asa Island kaya naman kinondena ito ng mga lider ng bansa at muling iginiit ang ilegal na panghihimasok ng China.

“We must call a spade a spade. China’s actions are illegal, provocative and undermine regional peace and stability,” giit pa ni Khonghun.

Binigyang-diin ni Khonghun na ang Pilipinas ay nakabatay sa international law, partikular sa 2016 Arbitral Ruling na nagpawalang-bisa sa malawak na pag-aangkin ng China sa WPS, bilang pundasyon ng paghahayag ng karapatan ng bansa.

“Our nation has always sought a path of peace, grounded in the rule of law and mutual respect. But peace must never be mistaken for weakness. We have every right and every duty to defend what is ours,” dagdag niya.

Pinuri rin ni Khonghun ang isinagawang air defense drills ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng militar ng Estados Unidos sa Luzon, na aniya’y napapanahon at kinakailangan sa pagpapakita ng kahandaan at determinasyon.

“Through strong alliances and a steadfast commitment to the rule of law, we show the world that we will not yield, we will not stop asserting sovereignty over our territory and exclusive economic zone,” pahayag ni Khonghun.

“Ang paglapastangan sa ating mga karagatan ay hindi lamang insulto sa ating bansa kundi insulto sa bawat Pilipino na naninindigan para sa kanyang bayan,” ani Khonghun.

“Hindi tayo magpapatinag. Ipaglalaban natin ang karapatan ng Pilipinas sa ating soberenya, ayon sa batas at sa katotohanan,” dagdag pa niya.

Hinimok rin niya ang mga Pilipino na magkaisa sa pagtatanggol ng dignidad ng bansa at ipamalas ang pagkamakabayan kaysa sa kawalan ng paki at pagiging kampante.

Sinabi ni Khonghun na ang Kamara de Representantes, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ay patuloy na susuporta sa lahat ng diplomatiko, legal at pandepensang hakbang upang panatilihin ang soberanya ng Pilipinas.

“In defending our territory, we are not merely protecting sand and sea. We are safeguarding our history, our identity and the generations of Filipinos yet to come,” pagtatapos ni Khonghun.

AUTHOR PROFILE