Default Thumbnail

Pet groomer inireklamo ng pangnenenok ng motor, cash, cellphones

June 23, 2024 Jojo C. Magsombol 61 views

INIREKLAMO ang pet groomer ng pagnanakaw ng cellphones, motor at cash sa 363 Gen. Luna St., Brgy. Dulong Bayan I, San Mateo, Rizal kamakalawa.

Nagtungo sa San Mateo police station ang tatlong complainants para ireklamo ang pet groomer na si alyas Ethan na umano’y nang-nenok ng Infinix Hot40 (P7,500), Realme C55 phone (P10,500), Yamaha Mio Gravis (D159GC) na nagkakahalaga ng P92,900, at P20,000 cash.

Sa pagsusuri ng CCTV footage, nakita ang suspek na sakay ng nawawalang motorsiklo at tumakas patungong Marikina City.

Nakilala ang mga biktima na sina Rodel Cinco Canete, 29; Wilberth Mendoza Ramirez alyas Makoy, 20; at Domengsy Acince Lopez, 17.

AUTHOR PROFILE