Penduko

‘PENDUKO,’ NAGSIMULA NANG MAG-SHOOT

August 22, 2023 Vinia Vivar 538 views

Finally ay gumiling na ang camera para sa pelikulang Penduko na pinagbibidahan ni Matteo Guidicelli.

Ibinahagi ng aktor ang mga larawan sa first shooting day kahapon para sa nasabing super hero action fantasy movie.

Caption ni Matteo sa socmed post, “Pedro Penduko DAY 1.”

Matatandaang matagal nang naka-pending ang pelikula na itinuturing ding iconic character sa Pilipinas na ilang beses na ring na-remake.

Ilan sa mga aktor na nagsiganap sa nasabing karakter ay sina Efren Reyes Jr. Ramon Zamora, Janno Gibbs at Matt Evans.

Bago si Matteo, napabalitang si James Reid ang gagawa ng latest remake na ito, pero nag-back-out ito sa project noong 2019 because of a spinal injury.

AUTHOR PROFILE