Pelikula base sa buhay ni Victor Wood ginagawa na bago pa pumanaw

April 26, 2021 Aster Amoyo 678 views

BAGO pumanaw ang music icon at tinaguriang “Jukebox King” ng local tin pan alley nung 70’s na si Victor Wood nung nakaraang Biyernes nang umaga, April 23 dahil sa Covid-19 coronavirus, ginagawa na ang isang pelikula na may kinalaman sa kanyang buhay, ang “Jukebox King: The Life Story of Victor Wood” mula sa panulat at pamamahala ni Carlo Cueva and produced ng EBC Films, ang film arm ng Eagle Broadcasting Corporation. Ayon kay Direk Carlo, about seventy per cent na umanong tapos ang pelikula and they still have six more shooting days to go bago matapos ang pelikula .

Ang actor na si Martin Escudero ang gumaganap sa papel ni Victor habang si Elizabeth Oropesa naman sa papel ng ina ni Victor na si Rosario Nobleza. Kasama rin sa movie sina Kim Rodriguez, Ahron Villena, Antonio Aquitania, Alwyn Uytingco, Kristel Fulgar, Alex Medina, Jasmine Henry (as Pilita Corrales), Paolo Marcoleta (as Vic del Rosario), Jon Lucas at iba pa.

Si Victor ay mag-isang anak ng kanyang ina sa isang American serviceman father na hindi niya nakilala since birth pero meron siyang elder three half-siblings sa mother side na ang isa ay pumanaw na rin.

Ayon kay Direk Carlo colorful at inspiring umano ang buhay ni Victor. Ipapakita sa pelikula ang kanyang simpleng pamumuhay sa Buhi, Camarines Sur, sa kanyang buhay sa Sampaloc, Manila, ang pagpasok sa showbiz, ang tinamasang kasikatan and his downfall.

Napaka-colorful din umano ang naging buhay pag-ibig ni Victor nung ito’y nabubuhay pa pero hindi na inisa-isa ang mga babaeng naugnay sa kanya.

Habang ikinukuwento noon ni Victor ang kanyang buhay kay Direk Carlo, inamin ng namayapang singer-actor na nakalimot umano siya nung panahong sikat na sikat siya. Nakalimutan niyang tumingala sa Itaas at nakalimutan din umano niya ang kanyang sarili.

“Very inspiring ang buhay ni Victor at maraming aral ang mapupulot ng makakapanood ng pelikula,” paniniguro ni Direk Carlo who also directed the movies “Walang Take Two,” “Guerrero, Part 1 & 2,” at “Hapi ang buhay: The Musical”.

Bayani pumirma sa Viva

ANG 52 year-old actor-comedian na si Bayani Agbayani ang pinakabagong karagdagan sa roster of talents ng Viva Artists Agency (VAA) matapos itong lumagda ng exclusive management contract sa nasabing kumpanya kamakailan lang.

Married to Lenlen Rogacion and father to four daughters na sina Maria Thalia, Rosalinda Mary Mar at Maria Sabrina, si Bayani who is Bayani Rogacion, Jr. in real life, ay nagsimula bilang isa sa production staff noon ng dating noontime show na GMA, ang “Lunch Date” at “Salo-Salo Together” or SST bago nag-discover ang talent niya bilang isang komedyante. Nagi-extra noon si Bayani sa mga comedy skits segment ng SST hanggang sa gawin siyang resident sidekick at comic relief ng programa.

Napasama siya sa pelikulang “Wanted Perfect Murder” na pinagbidahan noon nina Redford White at Eric Quizon na sinundan ng “Forever” nina Aga Muhlach at Mikee Cojuangco. Magmula noon ay unti-unti nang nakilala ang pagiging komedyante ni Bayani.

Nung siya’y lumipat sa bakuran ng ABS-CBN in 1996, ginawang Bayani Agbayani ang kanyang screen name. Napasama rin siya sa sitcom na “Okay, Fine! Whatever” at sa noontime show na “Magandang Tanghali Bayan”. Naging sunud-sunod din ang kanyang paggawa ng pelikula tulad ng “Pera o Bayong,” “Mana Mana, Tiba Tiba,” “Walang Iwanan, Peksman,” “Sanggano’t Sanggago” at ang kanyang launching movie na “Otso Otso: Pamela-Mela Wan” . Ginawa rin ni Bayani sa GMA ang variety talent show na “Diz Iz It”.

In 2012 ay lumipat siya sa bakuran ng TV5 at nung 2017 ay kinuha siya bilang isa sa SING-vestigator ng mystery music game show na “I Can See Your Voice” hosted by Luis Manzano at kasunod na rito ang pagiging bahagi niya ng noontime show na “Lunch Out Loud”.

Sumikat nang husto si Bayani bilang isang comedian dahil sa kanyang kakaibang wit and sense of humor.

Ngayong nasa bakuran na siya ng Viva, umaasa si Bayani na mas maraming assignments ang kanyang gagawin both sa TV at pelikula.

Sunshine kinakabahan sa unang pelikula

MAPAPANOOD na sa darating na May 28 sa Vivamax ang sexy comedy film na “Kaka” na dinirek ni GB Sampedro na tinatampukan nina Sunshine Guimary, Jerald Napoles, Rosanna Roces, Maui Taylor, Gina Pareho, Debbie Garcia and Juliana Parizcova Segovia. Kasama rin sa cast sina Andrea del Rosario, Giselle Sanchez, Sheree Bautista, Lander Vera-Perez, Joseph Elizalde, Pio Balbuena, Billy Villeta, Yuki Sakamoto at Minnie Nato. May special participation din sa movie sina Janine Tenoso, Marion Aunor at Ronnie Liang.

Ang “Kaka” ay magsisilbing launching movie ng vlogger-model na si Sunshine Guimary kung saan din ipinakikilala sina Ion Perez at Jackie Gonzaga ng “It’s Showtime”.

Masuwerte si Sunshine dahil kahit kapipirma pa lamang niya sa Viva nung isang taon ay isang launching movie kaagad ang ipinagkatiwala sa kanya bagay na ipinagpapasalamat ng Cebuana sexy actress. Hindi rin ikinakaila ng sexy actress-vlogger na ninerbyos umano siya laluna sa kanyang mga love scenes in the movie.

Ang theme song ng pelikula na pinamagatang “Sunshine” ay kinanta nina Juan at Kyle na siya ring umawit ng hit song na “Marikit”

Ang Vivamax ay available online at web.vivamax.net. Puwede ring i-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play Store and App Store o kumuha ng Vivamax vouchers sa Shopee and Lazada sa halagang P149/ month and P399 for three months for bigger savings.

Ai Ai balik sa kakaibang vlog

AKTIBONG muli ang comedy queen na si Ai-Ai de las Alas sa pagba-vlog kung saan siya naging inactive for sometime dahil sa kanyang pagiging busy sa trabaho. Pero this time nangako ang singer-comedienne na bibigyan na niya ito ng oras para sa kanyang followers.

Sa muling pagbabalik ni Ai-Ai sa vlogging ay muli itong pinag-usapan dahil naka-two piece bikini ito habang nagluluto sa kanyang Hello Kitty-themed kitchen.

“Cooking in the House ng Ina Niyo” (C.H.I.N) ang titulo ng vlog ni Ai-Ai na may kinalaman sa pagluluto. Bukod siyempre sa pagluluto, tiyak na aabangan ang kanyang get-up sa kanyang online program.

Thankful naman si Ai-Ai dahil kasama sa kanyang production team ang kanyang mister na si Gerald Sibayan at anak na si Sofia.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE