
Pedicab driver binoga sa ulo
DEAD-on-the-spot ang 25-anyos na pedicab driver nang barilin sa ulo sa Block 5 extension malapit sa Amadome, Baseco compound, Port Area, Manila noong Huwebes.
Nakilala ang biktima na si alyas Primo.
Nakatakas ang mga gunman na nakaitim na long sleeves,pulang short pants at naka tsinelas at ang kasama niya na naka itim na shirt, itim na pantalon at itim na cap.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, commander ng Manila Police District-Baseco Police Station 13, bandang alas-1:43 ng madaling araw habang natutulog ang biktima sa kanyang pedicab nang dumaan ang isang suspek at sinilip ang biktima.
Kasunod nito ang isa pang suspek na bigla na lang bumunot ng baril at binaril ang biktima sa ulo.