
PCO Chief Secretary Cesar Chavez at Chief House investigator Cong Joel Chua
ISA sa pinakatamang ginawa ni Pangulong BBM ay ang pagkakahirang kay Usec Cesar Chavez bilang bagong Press Secretary o Presidential Communications Office Chief.
Si Chavez ay puwede nating sabihing ‘all weather official” dahil nagsilbi ito sa halos lahat ng naging Presidente ng bansa. Sa Duterte administration ay naging Usec siya for rail. Naging chairman din ito ng National Youth Commission noong kanyang kabataan.
Malaking addition si Chavez sa pamahalaan na ilang buwan ding behind the scene sa palasyo bilang Strategic communications ng PBBM administration. Matagal na nating nabalitaan na gusto siyang gawing Press secretary ni Presidente kaya lang masyadong gentleman, ayaw makaapak ng mga taga-PCOO.
Aminin man o hindi ng grupong papalitan ni Secrerary Chavez, marami silang sablay na communication management ng administrasyon kaya hirap na hirap makakonekto ang pamahalaan sa mga mamamayan, lalo na sa mga common tao.
Si Chavez ay dalubhasa sa communications kaya sa madalas na pagkakataon, siya ang nakokonsulta ni PBBM, lalo na sa mga critical issues.
Malaking hamon din kay Chavez ang kanyang bagong posisyon dahil siya na ang frontline communicator ng palasyo. Wala namang magiging problema kay Chavez ang kanyang bagong posisyon dahil kaibigan naman ito ng mga nasa media. Sabi nga, walang masamang tinapay.
Ang mas malaking hamon kay Secretary Cesar ay ang pagbuo ng sarili niyang communications team na magiging katulong niya hanggang sa 2028.
Marami naman siyang makukuhang magaling pero ang mas malaking timbangan dito ay kung mapagkakatiwalaan ba niya ang mga masusungkit niya kung saan-saan?
Kung ano man ang mga plano ni Sec sa kanyang bagong trabaho, hangad natin ang kanyang katagumpayan.
Ang mas importante sa lahat, mataas ang kompiyansa at tiwala sa kanya ni Presidente Marcos.
Congratulations Secretary Cesar Chavez!!!
***
Welcome development sa kongreso ang pagkakahirang kay Manila Congressman Joel Chua bilang bagong Chairman ng House Committee on Good Governance and Public Accountability.
Ang komite na ito ay katumbas ng Senate Blue Ribbon Committee na ang oversign functions ay mag-imbestiga ng mga katiwalian, kapabayaan at iba pang iregularidad saan mang ahensiya ng pamahalaan.
Malaking addition sa Kamara si Congressman Chua na isang batikang abogado at matinik na imbestigador sa kongreso.
Kaya nga hindi tayo nagulat nang magpalabas ng malugod na pagbati si Manila Mayor Honey Lacuna sa pagkakahirang kay Atty. Chua dahil pride nila ito ng lungsod. Magkasama sila Chua at Mayor Honey sa city council noong konsehal pa ang kongresista at bise-alkalde naman si mayora.
Looking forward tayo sa mas maaksiyong pagkilos ng House Committee on Good Governance sa mga susunod na araw sa ilalim ng liderato ni Atty, Chua.
Congratulations Congressman Joel.