Edd Reyes

PBBM tutok lang sa trabaho, political officers na sumalag sa akusasyon

February 7, 2024 Edd Reyes 132 views

HUMANGA ang marami sa ipinamalas na propesyunalismo at pagkamaginoo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. nang hindi patulan ang panawagang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas at sa halip, itinutok sa trabaho at mahalagang gawain ang sarili para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Sa dami kasi ng problemang kinakaharap pa rin ng bansa, batid ng Pangulo na sa halip na patulan pa ang ganitong uri ng patutsada, hinayaan na lang niya ang miyembro ng gabinete na magpaliwanag sa taumbayan na labag ito sa Saligang Batas at itutok ang sarili sa pagta-trabaho.

Sa katunayan, sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 3.1% na mga Pinoy ang walang trabaho sa buwan ng Disyember kumpara sa 3.6% noong Nobyembre ng 2023 na bunga pa rin ng pagsisikap ng administrasyon ni Pangulong BBM na dumami ang mamumuhunan na lilikha ng maraming trabaho.

Maging ang bintang at hamon sa kanya kaugnay sa paggamit ng ilegal na droga ay hindi na rin pinatulan ni PBBM lalu na’t wala namang katotohanan, batay na rin sa inihayag ng kasalukuyan at mga dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga nakakakilala sa tunay nyang pagkatao.

Nito nga lang nakaraang Linggo, mismong ang dating political officer ni PBBM na si Gerald Dequina ang lumantad sa publiko para ibahagi ang kabutihang ipinamalas sa kanya, hindi lang ng Pangulo, kundi maging si First Lady Louise Marcos, nang tulungan siya habang agaw-buhay sa pagamutan sanhi ng severe Covid-19.

Kung tutuusin aniya, wala na siya sa poder ng Pangulo matapos ang apat na taon niyang paglilingkod sa First Couple pero patuloy siyang inagapayan sa panahon ng kanyang pangangailangan.

Kilala raw niya ng husto ang First Couple dahil noon ay araw-araw niyang kasama ang mga ito sa trabaho at kahit may pagkakamali ay hindi siya nakatikim ng masakit na salita kundi paliwanag na nagsilbing gabay niya ngayon para matuto sa buhay. Pinayuhan din niya ang mga nag-aakusa na kumuha muna ng ebidensiya at huwag umasa sa mga Maritess.

Mabahong amoy sa isang estero, inireklamo

HINDI pa rin makalanghap ng sariwang hangin ang mga residente ng isang barangay sa Malate Manila dahil patuloy pa rin palang umaalingasaw ang mabahong amoy na nagmumula sa isang estero.

Taong 2019 pa pala nilinis ng mga Estero Rangers ang Estero De San Antonio Abad sa Barangay 178 sa Malate dahil nga sa reklamo ng may 300 residente na nagdurusa sa mabahong amoy pero kahit naalis na ang isang tambak na basura, hindi naalis ang mabahong amoy.

Sabi ni Barangay Chairman Mark Delfin, hiningi na nila ang tulong ng Department of Natural Resources (DENR) at Laguna Lake Development Authority (LLDA) na kaagad nagsagawa ng pagsusuri at lumabas na positito ang kanal sa mataas na antas ng bacteria at iba pang uri ng waste materials.

Natunton din ng mga ahensiya ng pamahalaan sa isa isang unibersidad nagmumula ang waste materials na dumadaloy sa kanal kaya hinihintay na rin nila ang aksiyon ngayom ng LLDA at DENR para pagsabihan ang pamunuan na maglagay ng kanilang sewerage treatment plant upang maging malinis na ang tubig bago dumaloy sa kanal.

Mahirap nga namang lumanghap ng hindi kaaya-ayang amoy sa araw-araw kahit pa nga sanayin nila ang kanilang sarili dahil may malaking posibilidad na makaapekto ito sa kalusugan ng mga bata at maging ng mga senior citizen.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa [email protected]

AUTHOR PROFILE