PBBM tourism dev’t plans na inihayag ni Frasco pinuri
IKINAGAGALAK ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy”Madrona ang mga nakahatag na plano ng administration ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa development ng Philippine tourism na inihayag mismo ni Tourism Sec. Christina Garcia Frasco.
Sinabi ni Congressman Madrona na sa pamamagitan ng mga nakahatag na tourism development plans ng administrasyong Marcos, Jr. nangangahulugan lamang aniya ito na mayroong magandang hinaharap ang Philippine tourism sa ilalim ng kasalukuyang pamamahala nina President Marcos at Sec. Frasco.
Ipinaliwanag pa ni Madrona na ang isa sa mga programang kasalukuyang isinusulong ng Tourism Department ay ang maging LGBTQIA+ friendly destination ang Pilipinas.
Ang nabanggit na sektor ay tinatayang may 35 million travelers mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Naniniwala si Madrona na bunsod ng mga magagandang programang isinusulong ng pamahalaan para sa tourism sector, hindi imposible na mag-boom o mas lalo pang umunlad ang Philippine tourism sa darating na hinaharap partikular na sa mga panahong ito kung saan unti-unti ng nawawala ang COVID-19 pandemic o health crisis.