Castro

PBBM: Sawatain, tigilan ang fake news

April 23, 2025 Jonjon Reyes 55 views

SINABI ni Presidential Communications Office Undersecretary Atty. Claire Castro sa isang press briefing sa mga respondents sa survey na sumasalamin sa kabuuan ng mga Filipino kaugnay sa pagbaba ng trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. ay maaaring naimpluwensyahan ng paglaganap ng fake news.

”Nalaman po natin ang respondents dito ay 2,400. So, sa 2,400 hindi naman po ito nagre-reflect ng sentimyento ng kabuuang more than 100 million people or Filipinos in the country. Dahil nga nakita at nabanggit natin itong mga fake news, sumasalamin din po ito sa impluwensya ng mga fake news na nagkakalat,” ayon kay Atty.Castro.

”Katulad ng sinabi, mayroon nang natuklasan na nabanggit ang Reuters at ito ay galing sa isang Israel-based, data intelligence firm of disinformation security firm ‘the level of coordinated disinformation seen in the Philippines was far above the typical 7% to 10% range of online conversation globally about highly sensitive or polarizing issues.”

Inamin din ni Castro na dapat malaman ng administrasyon kung hindi nakakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno ang mga respondents. Tiniyak niya na titingnan ng gobyerno ang mga resulta ng survey.

”So, ang mga respondents ba na mga ito ay hindi nakakarating ang tulong ng gobyerno. So, dapat din po nating malaman ito sa parte ng administrasyon,” sabi ni PCO Usec Atty Castro,.

”At kung anuman po ang nagiging desisyon ng Pangulo at ng administrasyon at ito ay nagrereflect sa isang survey, nanaisin pa rin po at ipapatupad pa rin ng Pangulo, kung ano ang nasa batas at kung ano ang tama at hindi kung ano po ang sasabihin sa isang survey,”dagdag ni Castro,.

Patuloy na gagawin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang kanyang trabaho at maglilingkod sa publiko, ani Castro.

Ang isang kamakailang survey ng Pulse Asia ay nagpakita na ang trust at performance ratings ng Pangulo ay bumaba nang malaki noong Marso matapos itong bumagsak ng 17 percentage points mula 42% noong Pebrero hanggang 25% noong Marso.

Ang disapproval rating naman ni Marcos ay tumaas ng 21 puntos sa 53%.

”Basta ang direktiba po ng Pangulong Marcos Jr sawatain, tigilan ang fake news. Marami na po hindi lamang po ang Pilipinas ang nagsasabi kahit po iyong ibang mga firms mula sa ibang bansa nagsasabi na po na dumadami po talaga ang fake news dito sa Pilipinas,” ani Castro sa press briefing.

“Ang direktiba ng Pangulo ay bawasan ang fake news. Maging ang mga kumpanya mula sa ibang bansa ay nagsasabi na talagang talamak ang fake news sa Pilipinas.

Sinabi ni Castro na nagkaroon ng sectoral meeting ang Pangulo sa Department of Information and Communications Technology upang talakayin ang mga hakbang para mapuksa ang fake news.

Gayunpaman, tumanggi siyang magpahayag ng higit pang mga detalye tungkol sa pagpupulong.

Nauna nang nanawagan si PBBM sa publiko na maging maingat sa fake news, disinformation, at maling impormasyon na ginagamit ng mga kandidato dahil nasa puspusan na ang panahon ng kampanya bago ang paparating na pambansa at lokal na halalan sa Mayo.

Sinabi ni Marcos na dapat matukoy ng mga Pilipino kung ang impormasyong natatanggap nila ay totoo, lalo na ang nilalaman na ginagamit online.

AUTHOR PROFILE