OP

PBBM sa mga empleyado ng OP: Pumasok ng maaga, maging epektibo

March 18, 2024 Chona Yu 270 views

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga empleyado ng Office of the President (OP) na maagang pumasok at maging epektibo sa trabaho.

Sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga na mahalagang mapaganda ang pagbibigay serbisyo publiko.

“We are reminded of the fact that the Office of the President is a 127-year old institution. And [it] is important to remember this because we have to, once in a while take a step back, take a breath and remember how important the work that we do,” pahayag ni Pangulong Marcos sa flag raising ceremony sa selebrasyon ng OP.

“And what a great responsibility has been given us by our people. And it is a responsibility that we must fulfill, it must be a responsibility that we must do so as to make our people proud of us,” dagdag ng Pangulo.

Ayon kay Pangulong Marcos, hihina ang leadership sa buong bansa kung hindi maayos ang trabaho sa OP.

Mararamdaman aniya ang mga policy directions na ipinatutupad ngayon sa mga susunod na taon.

“Sometimes because of the volume of the work, sa dami ng trabaho ay hindi natin naiisip na— basta trabaho lang. Ngunit ang katotohanan diyan, bawat isang proyekto, bawat isang desisyon, bawat isang implementasyon ng polisiya ay nararamdaman ng buong Pilipinas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Kaya’t kailangang na kailangan na ipagbuti natin ang ating mga trabaho. Kailangan natin ipagbuti at lagi natin maalala ang ating pagmamahal sa bansang Pilipinas at sa ating mga kapwang Pilipino,” dagdag ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE