
PBBM sa LGUs: Leon paghandaan
INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang iba’t ibang local government units sa bansa na maghanda sa pagtama ng bagyong Leon.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos sa pagbubukas ng Maersk Optimus distribution center sa Calamba City, Laguna.
“Unfortunately, mukhang may padating na naman. Kaya’t paghandaan natin nang mabuti,” pahayag ni Pangulong Marcos.