Default Thumbnail

PBBM pinuri ni Tulfo

July 11, 2023 PS Jun M. Sarmiento 280 views

BINIGYAN ni Sen. Idol Raffy Tulfo ng excellent rating si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa unang taon nitong panunungkulan.

Pinuri ni Sen. Tulfo ang bilyon-bilyong pisong investment pledges na nalikom ni Pres. Marcos mula sa mga gobyerno at negosyente sa kanyang mga foreign trips.

Sinabi ni Sen. Tulfo na makakatulong ang mga pledges mapaganda ang ekonomiya at mapunan ang kakulangan ng trabaho sa bansa.

Napansin rin ni Sen. Tulfo ang ilan sa mga magandang katangian ni PBBM na nagpapakita na isa siyang magaling na lider.

Aniya, hindi sinisisi ni PBBM ang naunang administrasyon sa mga problema na minana niya mula rito at hindi rin siya nagtatanim ng galit sa mga dati niyang nakatunggali sa politika.

Pinuri rin ni Sen. Tulfo ang buhos na suporta ni PBBM para sa mga OFW, partikular na ang pagsalba sa tatlong convicted OFWs. Dalawa sa OFWs ang nakasalang na sa death row pero nabigyan ng ng pardon ng gobyerno ng UAE dahil sa letters of appeal ng Pangulo.

Sinabi ni Tulfo na ipinakita ni PBBM ang kanyang commitment at pagmamahal sa mga tinaguriang bagong bayani.