BBM3

PBBM nais ang whole-of-gov’t approach para matulungan magsasaka, publiko

April 3, 2024 Chona Yu 364 views

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang whole-of-government approach para tiyakin ang public safety at matulungan ang mga magsasakang apektado ng El Niño at La Niña phenomena.

Sa ikaapat na Task Force El Niño meeting, inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Agriculture (DA) na makipag-ugnayan sa Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) para tukuyin ang mga regulation barriers at mabilis na mabigyan ng ayuda ang mga magsasaka.

Inatasan din ang Department of Environment and Natural Resources-National Water Resources Board (NWRB) na makipag-ugnayan sa Office of the Civil Defense (OCD) na kumalap ng balita para sa water oversupply at undersupply situations.

Inaatasan ang mga nabanggit na tanggapan na maglabas ng engineering solutions para mapalakas ang water conservation measures at mapataas ang public awareness sa mga hamon sa El Niño.

Inaatasan din ang Bureau of Fire Protection (BFP) na makipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) na i-assess at magpatupad ng mga safety measures para masiguro na ligtas sa fire hazards ang mga health facilities o mga ospital.

Inaatasan ang OCD na makipag-ugnayan sa Department of Tourism (DOT) na alamin ang impact ng El Niño phenomenon sa mga tourists areas lalo na kung may suplay ng tubig, energy resources, public health at safety concerns.

AUTHOR PROFILE