
PBBM mas may malaking plano sa agrikultura, magsasaka sa Nueva Ecija
SAN ISIDRO, Nueva Ecija–Sinabi ni Nueva Ecija fourth district Rep. Emerson D. Pascual na mas malaki ang plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa agrikultura at kung paano iangat ang buhay ng mga magsasaka sa bansa.
Ayon sa pulitiko, maaring sabihin ng presidente ang mga balak n’ya sa kanilang lalawigan sa kanyang nalalapit na ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 22.
Ipinahayag din ng neophyte solon ang kanyang suporta sa Pangulo at kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez .
“All-out support tayo sa Kongreso, nakita naman natin kung gaano kaganda ang ginagawa ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez,” ani Pascual
Pinasalamatan din ni Pascual si Speaker Romualdez sa kanyang tulong para maging posible itong educational assistance pay-out sa mga estudyante sa kanyang distrito.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pascual sa mga mag-aaral na ang kanyang pagbibigay ng tulong na pang-edukasyon sa kanila “no strings attached” at walang “any political commitments.”
Nangako rin si Pascual na tutulong sa kanyang mga iskolar na makakuha ng trabaho pagkatapos ng graduation.