Crime

Pawnshop employee patay sa pamamaril

March 22, 2024 Edd Reyes 174 views

DEDO ang empleyado ng sanglaan ng pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo noong Huwebes sa Paranaque City.

Dead-on-the spot si alyas Juancho dahil sa tama ng kalibre .45 baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Tumakas ang salarin na nakasuot ng itim na hoody jacket, asul na pantalon, pulang t-shirt at puting rubber shoes sakay ng motorsiklong minamaneho ng kanyang kasabwat patungo sa hindi nabatid na lugar

Sa ulat na tinanggap ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Mark Pespes, binubuksan pa lang ni Juancho ang sliding na metal accordion ng pawnshop sa Lopez Avenue, Brgy. San Isidro, dakong alas-7:40 ng umaga nang sumulpot bigla ang salarin at pinagbabaril siya.

Bagama’t hindi nasapol ng nakakabit na CCTV sa lugar ang aktuwal na pamamaril, nahagip naman ng kuha ang pagtakas ng mga suspek, pati na ng pagparada ng kanilang motorsiklo sa hindi kalayuang lugar bago nangyari ang pamamaslang.

Tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 pistola at isang depormado ng bala na isusumite sa SPD Forensic Unit para sa ballistic examination ang natagpuan sa crime scene.

Lumabas sa pagsisiyasat na dating police asset ang biktima.

AUTHOR PROFILE