
Pauleen, ’di masundan si Tali dahil sa health issues
Aminado si Pauleen Luna na kung ibibigay ni Lord, gusto pa niyang masundan ang unica hija nila ni Vic Sotto na si Talitha (Tali), now four years old.
“Of course we want her to have another sibling but if ito na ‘yun then okay lang din naman,” aniya sa kanyang panayam sa Surprised Guest with Pia Arcangel.
Inamin din ng aktres na talagang sinusubukan nila ni Bossing na magkaroon ng isa pang anak, pero marami raw siyang health issues tulad ng polycystic ovary syndrome or PCOS.
“We’ve been trying but I have a lot of issues. I have PCOS, I have insulin resistance, I have a lot of hormonal problems so hindi pa naibibigay.
“But kung ibibigay, of course we want Tali to, you know, grow up with… kasi her siblings are all grown-ups na. So, of course, we want her to have another sibling but if ito na ‘yun. then okay lang din naman. But ako, personally, gusto ko talagang magkaroon pa kahit isa na lang,” sey ni Pauleen.
ANGELI, ’DI TAKOT PAGSAWAAN NG VIEWERS
Masayang-masaya si Angeli Khang sa nangyayari sa career niya ngayon. Of course, utang niyang lahat ito sa Viva Films na patuloy siyang binibigyan ng magagandang proyekto.
May bago na naman siyang proyekto, ang series na ’Wag Mong Agawin ang Akin kung saan ay kasama niya sina Jamilla Obispo, Felix Roco, Arron Villaflor, Yayo Aguila, Josef Elizalde, Angelica Cervantes at Lara Morena mula sa direksyon ni Mac Alejandre.
Asked kung hindi ba siya natatakot na magsawa ang viewers sa kanya, ani Angeli, “Hindi ako takot na magsawa sa akin ang mga tao kasi I know that I can do more, I’m doing my best and as long as I have the potential and the passion of what I’m working as an actress, I’ll keep on doing it.”
Actually, ayon kay Direk Mac, nakita niya ang improvement ni Angeli sa trabaho mula nang una silang magkasama sa Silip sa Apoy.
“Mas aware na ngayon si Angeli sa kanyang craft at mas sensitive siya sa paligid niya, sa mga tao, sa ginagawa niya in connection sa craft niya kaya naman makikita mo ang pagganap niya patuloy na lumalawig.
“I cannot say na malaki o maliit ang improvement. Ang mahalaga naisasapuso niya ang ginagawa niya. Mas masusi ang kanyang pag-aaral sa mga character na pinu-portray niya at damang-dama ko ang sipag sa trabaho niya,” ani Direk Mac.
Ang ’Wag Mong Agawin Ang Akin ay kwento ng isang babaing kinailangang ibenta ang sariling katawan sa murang edad para mabuhay at isang babaing biktima ng pang-aabuso.
Ginagampanan ni Angeli si Jasmine, isang escort girl na may mataas na pangarap sa buhay. Magsisimula itong mapanood sa Vivamax sa July 31 with fresh episodes tuwing Linggo.