Paul Larawan mula sa IG/@paulandre.salas

Paul Salas P15M bet na bayad kung papatol sa beki

November 27, 2023 People's Tonight 777 views

MAY pabirong hirit ang Kapuso hunk na si Paul Salas na may posibilidad na tatanggap siya ng indecent proposals mula sa mga beki kapalit ang presyong P15 million.

Sa premiere night ng ‘Shake, Rattle & Roll Extreme,’ nabanggit ng ilang miyembro ng press ang naging pahayag ni Paul noon na papatol siya sa indecent proposals kung babayaran siya ng P10 million.

Nilinaw ng aktor na biro lamang ang mga naging pahayag niyang iyon at dahilan lang niya upang tanggihan ang alok.

“Hindi naman! Ginagawang joke ko na lang ‘yun. Presyong ayaw, so, huwag na nating i-entertain,” sey ng Kapuso hunk.

Natanong ulit si Paul kung sakaling may pumatos sa hinihingi niyang presyo.

“May willing and able ba? Hahaha! Non-nego na yun. Hahaha!” wika ng model-actor.

Tinaasan naman ni Paul ang presyo sa P15M kung talagang papayag siya sa alok.

“My way of saying ‘no’ yung P10M. Pero kung meron, P15M, pwede pa!” hirit niya habang tumatawa.

Nasambit din niyang mayroon naman daw talaga siyang natatanggap na mga indecent proposals.

“Pinapabayaan ko lang ‘yun, joke na lang ‘yun. Siyempre, kahit paano, natutuwa. Baka napopogian o naha-hot-an, ‘di ba? So, kahit paano, ‘yung mga papogi ko sa post e napapansin nila. Yun naman ang importante sa akin. Malay mo, makapagbigay-saya ako sa kapogian o ka-hotness ko? Hahaha!” wika ni Paul.

AUTHOR PROFILE