
Patuloy na suporta ni Speaker Romualdez pinasalamatan ng magsasaka, tagapagpatubig
NAGPASALAMAT ang mga magsasaka at mga tagapagpatubig sa buong bansa kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kanyang patuloy na suporta sa mga mahahalagang programa ng patubig, kabilang na ang mga solar-powered pump irrigation projects (SPIPs).
Ipinahayag nila ang kanilang pasasalamat kay Speaker Romualdez sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga benepisyong nagdudulot ng malaking pagbabago sa kanilang buhay sa National Congress of Irrigators’ Associations na ginanap sa Canyon Woods Resort sa Batangas, kamakailan.
Sa nasabing event, tiniyak ni Speaker Romualdez ang patuloy na suporta ng Kongreso sa pagpapalawak ng mga proyekto ng patubig, na alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang produksyon ng agrikultura at tiyakin ang seguridad sa pagkain.
Sa testimonya ni Rizalinda Cagalawan, isang farmer-irrigator mula sa Misamis Oriental, sinabi niyang nagkaroon ng malaking pagbabago ang proyekto ng patubig sa kanilang kabuhayan.
“With this irrigation project in Balingasag, water was made readily available, and our livelihood has greatly improved,” aniya.
Si Teresita Chua, presidente ng Lumayang Irrigators Association Inc. sa Zamboanga City, ay nagpatunay din sa mga positibong pagbabago: “We are very grateful because our lives have improved. We are no longer tired (of having to fetch water far somewhere else), especially us senior farmer-irrigators.”
Ipinahayag din ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo ‘Eddie’ Guillen ang pasasalamat ng mga magsasaka para sa suporta ng Kamara na pinamumunuan ni Speaker Romualdez.
“Thank you, Speaker Romualdez, for your unwavering support to NIA and our hardworking farmers,” ayon kay Guillen. “Your commitment uplifts our agency and the lives of countless rural communities who rely on irrigation and agriculture for their future.”
Sa kanyang mensahe sa mga tagapagpatubig at magsasaka, binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang pangako ng Kamara na magkakaloob ng sapat na pondo para sa mga proyektong ito.
Binanggit niya kung paano tinutulan ng Kamara ang mga iminungkahing pagbabawas sa 2025 NIA budget mula sa Senado, kaya’t nakuha ang P69.4 bilyong pondo para sa ahensya, na malaki ang itinaas kumpara sa orihinal na alokasyon.
“Hindi na po kailangang ipaliwanag pa kung gaano kahalaga ang papel ng patubig sa buhay ng magsasaka. Kung walang patubig, walang ani. Kung walang ani, walang pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino,” ayon kay Speaker Romualdez.
Ang pagtatayo ng mga SPIP ay bahagi ng plano ng administrasyong Marcos na pagbutihin pa ang sistema ng patubig sa bansa at palakasin ang sektor ng agrikultura.
Binanggit ni Guillen ang pagiging cost-effective ng mga SPIP, na nangangailangan ng P200,000 hanggang P300,000 para magbigay ng tubig sa bawat ektarya, kumpara sa P1.2 milyon para sa mga tradisyunal na sistema, pati na rin ang kanilang mabilis na implementasyon.
Sinabi din Guillen ang mga benepisyo ng mga proyekto para sa kalikasan, lalo na kung paanong ang solar irrigation ay sumusuporta sa adbokasiya ng renewable energy upang matulungan ang paglutas sa mga isyu ng pagbabago ng klima.
Ang mga SPIP ay angkop gamitin sa mga malalayong sakahan na hindi kayang maabot ng mga tradisyunal na sistema ng patubig, pati na rin sa panahon ng tagtuyot tulad ng El Niño, habang binabawasan ang mga gastos ng mga magsasaka sa operasyon nang hindi umaasa sa diesel o gasoline pump.