Jenn Larawan mula sa IG/Jenn Rosa

Patok ang tambok

August 21, 2024 People's Tonight 593 views

MUKHANG handa na ngang tumawag ng sundalo ang netizens dahil sa kumakalat na apoy ng kaseksihan ng Vivamax actress na si Jenn Rosa sa social media.

“Hot na perfect pa.” Ganyan na nga lang kung ilarawan ng isang Instagram user ang mga larawang ibinahagi ng sexy star sa nasabing social media platform.

Sino ba namang aayaw kapag nasulyapan na ang newest patakam na post ni Jenn sa Instagram.

Kabogera sa pag-flex ng kanyang makinis at toned body ang aktres suot ang puting swimwear.

Humarap man o tumalikod, may “blessing” na kayang i-share si Jenn na ikatutuwa ng kalalakihan. Patok ang kanyang mga tambok sa harap man o sa likod.

Bidang-bida rin ang singit ng Vivamax actress. Nakaabang na nga ang mga kalahi ni Adan para masilayan ang hiwa ng langit ng isang Eba.

Tinadtad ng heart at fire emojis ang sexy photo ni Jenn. Walang kalaban-laban ang post niya sa papuri ng kanyang followers sa comment section.

Bukod sa mga bagong proyekto, nakilala si Jenn sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Hibang (2023), Araro (2023) at Bisyo! (2023).

AUTHOR PROFILE