
Patay na butanding inalon inalon sa dalampasigan sa Romblon
PATAY na nang mapadpad sa dalampasigan ang isang malaking butanding sa Brgy. Lamao sa Romblon, Romblon.
Ayon sa Facebook post ng Romblon News Network, ipinakita ang larawan ng butanding na walang buhay na natagpuan sa lugar, kung saan makikita rin ang ilang mga tao na lumalapit dito.
Iniimbestigahan na ng Municipal Environment & Natural Resources ng Romblon ang pangyayari upang malaman kung bakit napunta sa nasabing lugar ang butanding.
Hanggang sa ngayon, walang opisyal na pahayag mula sa mga awtoridad ng naturang lugar hinggil sa pangyayaring ito, higit lalo sa sanhi ng pagkamatay nito.