
Patakam sa Guam
HINOG na hinog ang alindog ng singer-actress na si Jayda Avanzado nang magbakasyon siya sa Guam.
Sa isa sa kanyang Instagram post, mala-diyosa ang pagbabandera ng anak na babae ng OPM legends na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza sa kanyang bikini body.
Looking sweet ang beauty ni Jayda pero super spicy ang kanyang taglay na kaseksihan sa suot na two-piece swimwear.
Makikita sa mga larawan na masayang nagpaulan ng pampainit sa netizens ang singer-actress habang nasa isang beach sa Guam.
Pampagana sa mga barako ang matambok na “behind” ni Jayda at perpekto nitong kurba. Kaya nga sa comment section ay hindi mapakalma ang mga ito sa pagbabato sa singer-actress ng papuri pati at fire emojis bilang tanda na ganadong-ganado sila sa hotness niya.
“She is the VIEW,” hirit pa ng isang netizen.