
Party mauuwi sa misteryo sa ‘Stag’
Isang gabi na dapat ay para sa kasiyahan at pagpa-party ang mauuwi sa isang gabi na puno ng misteryo at mga ‘di pangkaraniwang pangyayari na hindi basta-basta maibabaon sa limot.
Sina Gold Aceon, Denise Esteban at Arah Alonzo ay bibida sa latest sexy thriller ng Vivamax mula sa direksyon ni Jon Red.
Ready ka na ba para sa isang wild night? Panoorin ang Stag na kasalukuyang exclusively streaming sa Vivamax.
Sina Leon (Gold) at Ara (Arah) ay matagal nang magkarelasyon pero hindi pa rin nagpapakasal.
Wala pang balak si Leon na mag-commit o mag-propose sa girlfriend at matagal na itong nagiging issue, hindi lang sa kanilang dalawa, kundi pati na rin sa kanilang mga kaibigan at pamilya.
Ang best friend naman ni Leon na si Carl (Aerol) ay ikakasal na at sina Leon at ang iba pa nilang mga kaibigan ay nag-organize ng isang stag party para sa kanya.
Pero habang papunta sa party, mawawala si Leon at titirik ang sasakyan sa isang liblib na lugar.
Isang magandang dalaga na nagngangalang Lara (Denise) ang lalapit at tutulong kay Leon. Iimbitahan siya nito na magpalipas ng oras sa kanilang mansyon habang inaayos ng mekaniko ang sasakyan.
Sa mansyon, makikilala ni Leon ang iba pang kapamilya niLara, pagsisilbihan siya ng mga ito at ipaghahanda ng masasarap na pagkain at inumin. Pero kahit mabait ang pakikitungo nila kay Leon, mayroong ‘di pangkaraniwan at masamang kutob na dala ang pamilya.
Magpapalipas ng gabi si Leon sa mansyon, at sa kanyang pagtulog ay mapapanaginipan niya si Ara.
Sa panaginip na ito ay kasama siya ni Ara at ginagawa nila ang mga sensual at wildest fantasies nila sa isa’t isa.
Pero sa kanyang paggising, mabibigla na lang si Leon dahil makikita niya si Lara na kumikilos at handa na siyang galawin at akitin.
Ang hindi alam ni Leon, isa lamang ito sa marami pang nakakagulat at ‘di maipaliwanag na pangyayari na mararanasan niya sa loob ng mansyon.
Magising kaya si Leon sa katotohanan at makita na isang bangungot ang pinasok niya? Paano siya makakawala at makakatakas sa lugar na ito?
Alamin ang buong kwento sa Stag na exclusively streaming sa Vivamax.