
Parking boy timbog sa baril
TIMBOG sa mga pulis-Maynila ang isang 24 anyos na parking boy sa Quiapo nang matiyempuhan na naka-sukbit pa ang baril sa kanyang baywang sa Buenviaje at Caromina St., Barangay 319, Quiapo, Manila Huwebes ng hatinggabi.
Nakilala ang suspek na si Virgilio Mosqueda, miyembro ng Bahala Na Gang, at residente ng Gregor St., Barangay 393, Quiapo.
Base sa ulat ni Police Corporal Nasrudin Mandal at Patrolman Raymund Patrick Villaruel, bandang 11:55 ng hatinggabi, habang nagsasagawa sila ng patrol sa lugar isang concerned citizen ang nagsumbong tungkol sa isang lalaki na may baril.
Nang kanila itong lapitan, nangtangka pang tumakas ang suspek pero naging maagap ang dalawa at agad na hinawakan ito sa dalawang kamay.
Nang makapkapan, nabuking ang kalibre 38 baril nag suspek na kargado ng dalawang bala.