Parak sumemplang, nawalan ng baril
SUGATAN at nawala daw ang baril ng pulis-Calauan ng sumemplang sa kanal ang kanyang motor na nawalan ng control noong Huwebes sa Pila Road, Brgy. Tubuan, Pila, Laguna.
Kinilala ni P/Major Abelardo Jarabejo III, hepe ng Pila police, ang biktima na si PSSG Dave Joseph Loterte.
Nawala din ang kanyang service firearm na Glock 17 9mm na ayon sa kanya’y posibleng lumubog sa kanal ng siya’y sumemplang bandang alas-8:30 ng gabi.
Sakay si Loterte ng Honda Click 150 pauwi ng bahay sa Sta. Clara Sur nang maaksidente.