Ryan1

Paola sa engagement kay Ryan: God is good

June 29, 2024 Vinia Vivar 48 views

Engaged na si Ryan Bang sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong.

Makikita sa latest Instagram post ni Paola ang proposal na naganap sa isang restaurant kalakip ang mga larawan.

“God is good,” ang caption ni Paola with ring emoji.

Sa isang larawan ay makikitang nakaluhod si Ryan sa harap ng girlfriend habang hawak ang box na may lamang singsing.

Mayroon ding close-up photo ng engagement ring na nasa daliri na ni Paola.

Sa isang litrato naman ay makikita ang sweet note ni Ryan kay Paola na nagsasaad ng, “Mi Amor, thank you for saying ‘YES’ can’t wait to spend the rest of my life with you. From your soon to be husband.”

Matatandaang last year nang kumpirmahin ni Ryan ang relasyon nila ni Paola.

Kamakailan ay lumipad ang magdyowa sa South Korea kasama ang pamilya ni Paola para ma-meet ang parents ni Ryan.

Kung kailan ang kasal ay wala pang announcement.

Samantala, dumagsa naman ang congratulatory messages sa dalawa kabilang na ang celebrities tulad nina Zsa Zsa Padilla, Jason Abalos, EA Guzman, Ogie Alcasid, Jhong Hilario, Coleen Garcia, Dominic Roque, Amy Perez, Jugs Jugueta, Ria Atayde, Rodjun Cruz, John Prats at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE