Madrona

Panukalang gawing vice-person ng NDRMMC ang Kalihim ng DPWH suportado ni Madrona

August 1, 2023 Mar Rodriguez 358 views

Madrona1SINUSUPORTAHAN ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy”F. Madrona ang inihaing panukalang batas sa Kamara de Representantes na naglalayong gawing “vice-chairperson” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ipinaliwanag ni Madrona na angkop lamang na gawing vice-chairperson ng NDRMMC ang Kalihim ng DPWH sapagkat hindi aniya lingid sa kaalaman ng mayorya ng mga Pilipino na tuwing magkakaroon na lamang ng mapaminsalang kalamidad sa bansa. Ang laging tinatamaan o nasasapul ng kalamidad o sakuna ay ang iba’t-ibang imprastraktura at mga proyekto ng gobyerno.

Dahil dito, sinabi ni Madrona na ang kalihim ng DPWH ang matatawag na “right person” o punong abala sa panahon na humagupit ang isang napakalakas na bagyo. Dahil tanging siya lamang ang maaaring kumilos at magsa-ayos o magsagawa ng rehabilitasyon para sa mga nasirang tulay, kalsada at iba pang pasilidad kabilang na dito ang pagtitiyak sa kaligtasan ng publiko na apektado ng kalamidad.

Naniniwala ang kongresista na sakaling maisaktuparan ang nasabing panukala. Mas magiging mabilis aniya ang pagkilos ng gobyerno sa pamamagitan ng DPWH para agad na maisa-ayos ang mga nasirang tulay at kalsada sa panahon ng mayroong humagupit na malakas na bagyo partikular na sa mga lalawigan na maituturing na “prone” o kadalasang sinasalanta at hinahagupit ng malakas na bagyo at iba pang kalamidad.

Ang naturang panukala ay nakapaloob sa House Bill No. 8350 na isinulong ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez.

Samantala, nag-courtesy visit kay Congressman Madrona, Chairman ng Technical Working Group (TWG) ng House Committee on Transportation, sina Philippine Coast Guard (PCG) Vice-Admiral Joseph M. Coyme, Vice-Admiral Roberto N. Patrimonio, Capt. Christine Bagaan-Asis at P/ENS Rolinda Lumanlan.

Nagkaroon ng pagpupulong o discussion sa pagitan ng mambabatas at mga opisyal ng PCG kaugnay sa nakatakdang deliberasyon ng Kamara de Representantes sa mga House Bill o panukalang batas patungkol sa administrative, reform at re-organization ng Philippine Coast Guard Law of 2009.

Layunin ng mga naka-pending na panukalang batas na maisulong ang reporma at re-organization sa hanay ng PCG kabilang na dito ang pagsusulong sa modernization at upgrading ng PCG.

AUTHOR PROFILE