Magi

Panoorin ang “Maharaj”

June 29, 2024 Magi Gunigundo 95 views

ANG Maharaj (dakilang pinuno sa Hinduismo) ay pelikulang umalingasngas bago ito naipalabas sa Netflix ngayon Hunyo 2024. Tema ng pelikula ang labanan ng makapangyarihan at mahina.

Ang pelikula ay patama sa imoralidad ng pinuno ng relihiyon na nanamantala ng kapangyarihan at impluwensiya.

Umiinog ang pelikula sa buhay ni Karsandas Mulji. Rurok ng kwento ang “Maharaj libel case”noong 1862. Bida bilang Karsandas Mulji si Junaid Khan, anak ng Bollywood actor Aamir Khan. Kontrabida si Jaideep Ahlawat bilang JJ Maharaj.

Naantala ang pagpapalabas ng pelikula habang dinidinig ng Gujarat High Court ang petisyon ng mananampalataya ng Vaishnav na nangangambang mayuyurakan ang reputasyon ng kanilang relihiyon. Sa huli, pinayagan din ipalabas ang Maharaj sapagkat ang pokus ng pelikula ay korapsyon ng dakilang pinuno ng sekta.

Si Karsandas Mulji ay deboto ng Vaishnav, Pushtimarg, at isang mamamahayag. Bata pa lang, mausisa na siya sa mga tradisyon, pamahiin at paniniwala ng pamilya na kabilang sa “Banian caste”(mataas na klase). Sa kanyang pagsusulat, isinulong niya ang mga repormang panlipunan tulad ng pagpayag na mag-asawa muli ang mga biyuda na pinapalagay na may dalang malas, makapag-aral ang mga babae na kinakatakutan na titigas ang ulo kapag may napag-aralan, at mabigyan ng hustisya ang mga inaapi mula sa mababang klase o “caste”. Tinaguriang Martin Luther ng Banian Caste si Karsandas dahil sa pagtuligsa niya sa mga maling aral ng mga Maharaj na hindi batay sa mga sinaunang kasulatan ng Hinduismo tulad ng Vedas, Bhagavad Gita, Ramayana, Purana, at Upanishad.

Nilathala ng peryodikong Satya Prakash ang sanaysay ni Karsandas na “Hinduono Asal Dharma ane Haalna Pakhandi Mato” (The Primitive Religion of the Hindus and the Present Heterodox Opinions). Inilantad ng sanaysay na sex maniac si JJ Maharaj .

Kontrabida ng kwento si Jadunathji Brijratanji (JJ) Maharaj, isang popular at karismatikong pinuno ng Vaishnav, Pushtimarg. Sa dami ng kanyang tagahanga, lumaki ang donasyon sa templo kaya ang konseho ng mga matatanda ay hindi makakibo sa imoralidad ni JJ. Binubuyo ni JJ ang natitipuhang babae na menor de edad at kanyang magulang na hayaan ang anak na magbigay ng sekswal na “charanseva”. Kusang loob na nakikipagtalik kay JJ ang babae upang makamit ng bata ang Dharma ( pag-uugaling naaayon sa kaayusan at kaugalian na nagpapanatili ng mapayapang buhay at kabutihan). Pagkatapos magbigay ng donasyon, maaaring panoorin ng mgalalaki ang pagtatalik ni JJ at ng babae. Si Kishori, na kasintahan ni Karsandas, ay isa sa mga babaeng nasulsulan ni JJ na mag-charan seva ilang araw bagoang takdang kasal ng magkasintahan, na nagingdahilan ng pag-atras ni Karsandas sa kasal. Tinalikuran si Karsandas ng sariling pamilya sapagkatwala silang nakitang mali sa ginawa ni JJ kay Kishori.

Dahil sa sinulat ni Karsandas Mulji laban sa sekswal na pang-aabuso sa kababaihan, nabawasan ang mga tagahanga ni JJ, at lumiit ang donasyon kaya bilang ganti, nagsampa si JJ ng kasong libelo labankay Karsandas Mulji.

Maraming saksi ang magkabilang panig, ngunit mas matimbang ang katotohanan. Tumestigo siKarsandas. Napaamin niya si JJ na wala sa mga kasulatan sa Hinduismo na may pagpapapala sa pagsiping ng ikakasal na babae sa Maharaj . Diniindin ni Karsandas na bilang Maharaj, mayroong moral na obligasyon si JJ na hindi pagsamantalahan ang kamangmangan ng mga panatikong nagtitiwala sa aralng Maharaj na dadalhin sila sa mabuti, hindi sa masama.

Pinawalang sala ng Korte si Karsandas Mulji at pinagbayad si JJ ng multa. Ayon sa desisyon, pantaysa mata ng batas ang maharaj at miyembro ng sekta at hindi maaaring supilin ang karapatan ng huli na magsiwalat ng katotohanan. Ang isang mamamahayagay may tungkuling ituro at bigyan-liwanag ang katotohanan sa tao. Ang mali sa moralidad ay hindi maaaring maging tama sa teolohiya. Pinuri ng hukuman si Karsandas at mga kaalyado sa pakikipaglaban sa isang makapangyarihan at tiwaling pinuno.

Humugot tayo ng tapang kay Karsandas Muljiupang masupil ang mga korap at imoral na opisyalesng ano mang relihiyon.

AUTHOR PROFILE