
Panghimagas
PARANG binuksan na kalan ang atake ng Vivamax actress na si Tiffany Grey dahil sa oozing hotness na nagmumula sa kanyang katawan.
Tila nagpatagalan sa pagtitig ang mga anak ni Adan sa ipinangalandakan niyang patakam na wangkata. Hindi magkamayaw ang kanilang mga mata kung anong uunahing sipatin ng kanilang paningin, ang hita ba ng bebot o ang bandang dibdib nito.
Sa Instagram page ng sexy star, may dalang nakaka-good vibes na aroma ang mga larawang ibinahagi ng sexy star mula sa kanyang naging pre-birthday vacation.
“Seas the day,” maikling caption niya sa post.
Agaw-pansin ang suot niyang black two-piece bikini na sinabayan pa ng napaka ganda niyang smile.
Hindi nga lang matamis na ngiti ni Tiffany ang naghatid ng good vibes sa mga male fans, pati na rin ang killer body niya, goods na goods sa kanila.
Perfect pampagana ang sex appeal ni Tiffany. Hahanap-hanapin ng kanyang male fans ang karisma niya gaya ng paghahanap nila sa bagong pelikula nito.
Sa comment section nga ay miss na miss na ng mga tagasubaybay ng sexy star ang paglabas niya sa mga pelikula, hinahanapan nila ng bagong movie ang aktres na kanilang aabangan.
Ilang beses nang naitampok si Tiffany sa mga proyekto ng Vivamax, kabilang na riyan ang Paupahan (2023), Fall Guy (2023), at Kamadora (2023).